Home METRO Kelot arestado sa P240K tsongki sa Tabuk City

Kelot arestado sa P240K tsongki sa Tabuk City

KALINGA- Swak sa kulungan ang isang 41-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng PNP at PDEA-Cordillera Kalinga Provincial Office sa Bulanap, Tabuk City ng lalawigang ito kahapon, Pebrero 24.

Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay residente ng Tabuk City, Kalinga.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang bricks ng dried marijuana leaves.

Tinatayang nasa 2 kilos ang nakumpiskang marijuana at nagkakahalaga ito ng P240,000.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek. Rolando S. Gamoso