Home METRO Libu-libong iligal na sigarilyo at alak, sinira ng BIR Region 2

Libu-libong iligal na sigarilyo at alak, sinira ng BIR Region 2

SAN GUILLERMO, Isabela – Sinira ng Bureau of Internal Revenue Office no. 2 ang mga nakumpiskang napakaraming illicit o iligal na mga sigarilyo, alak at vapes dito sanasabing rehiyon.

Ayon kay Atty. Maria Isabel Barcia, revenue district officer, marami pang nakaimbak sa kanilang mga bodega na mga iligal na mga nakumpiskang mga produkto na sisirain sa susunod na mga araw.

Hinihintay na lamang nila ang pag-apruba at guidelines na ilalabas ng BIR commissioner para sa gagawing pagsira sa mga ito.

Una rito, nakibahagi ang nasabing tanggapan sa nationwide crackdown laban sa iligal na sigarilyo at alak, kung saan sinira ang libu-libong kahon ng nakumpiskang produkto sa Sanitary landfill ng Tuguegarao City kahapon.

Ang mga ito ay nakumspiska sa Tuguegarao, Sta. Ana, Cauayan, Alicia, at iba pang lugar sa rehiyon.

Gamit ang shredder machine, isa-isang dinurog at tuluyang sinira ang mga nasabing produkto upang matiyak na hindi na ito muling maipagbibili.

Sinabi ni Barcia na umaabot sa mahigit P100 million ang halaga ng mga sinirang mgsa produkto ng BIR sa buong bansa. Rey Velasco