MANILA, Philippines- Timbog ang isang lalaki matapos ireklamo ng pang-aabuso sa dalawang dalagitang stepdaughter at 4 taong gulang na anak.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nangyari ang krimen habang nasa Kuwait ang kanilang ina.
Taong 2023 pa umano nang magsimula ang pang-aabuso ng suspek sa kanyang mga stepdaughter noong sila ay edad 17-anyos at 12-anyos pa lamang.
Madalas umanong parausan ng suspek ang isa sa mga dalagita.
Ayon kay Atty. Czar Eric Nuqui , agent-in-charge ng NBI-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO), hindi lamang pangmomolestiya ang ginagawa ng suspek kundi kasama rin ang pisikal na pananakit dahilan para magsagawa ng rescue operation.
Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Anti-rape Law, paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. Jocelyn Tabangcura-Domenden