MANILA, Philippines- Tinapos na ng Supreme Court (SC) ang limang araw na oral argument sa pinagsama-samang petisyon na humihiling na maharang ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa national treasury.
Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo, aatasan ang lahat ng partido na magsumite ng kani-kanilang memoranda kasama na ang amicus curiae (kaibigan ng korte).
Bibigyan ng ilang araw ang lahat ng partido na isumite ang kanilang memoranda.
Ang oral argument ay idinaos sa SC compound sa Baguio City kung saan idinaraos ang summer session.
Sa ginanap na pagdinig, tinanong ni Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Lopez kung gagamitin ang
excess fund sa iba pang layunin na walang kinalaman sa
Philhealth.
“Once there is a fund balance, this becomes a general fund that can be used for any other purpose,” ani Lopez, chairperson ng SC Health and Welfare Committee.
Bilang tugon, iginiit ni Government Corporate Counsel Solomon Hermosura na sa ilalim ng charter ng PhilHealth, kailangang gamitin ang pondo nito sa mismong layunin ng ahensya.
Sinabi naman ni Finance Secretary Ralph Recto na sa konsultasyon sa mga economic manager, gagamitin ang pondo sa pangkalusugan. Teresa Tavares