Home NATIONWIDE 6,147 pasado sa medical technologists licensure exam

6,147 pasado sa medical technologists licensure exam

MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate ng Velez College sa medical technologists licensure examination na isinagawa noong nakaraang buwan.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 6,147 sa 7,659 test takers ang nakapasa sa pagsusulit na ibinigay ng Board of Medical Technology sa test centers sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong Marso.

Nakuha ni Jherry Andrei Dellica Arbotante ng Velez College ang pinakamataas na puntos sa 92.30%, habang ang top performing school na may 50 o higit pang nakapasang test takers ay ang Notre Dame of Marbel University, kung saan 57 sa examinees nito ang nakapasa.

“The result of examination with respect to one (1) examinee was withheld pending final determination of his/her liabilities under the rules and regulations governing licensure examinations,” dagdag ng PRC. RNT/SA