MANILA, Philippines- Arestado ang isang Swedish national na wanted sa child rape, base sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes.
Base sa NBI, nadakip ng mga operatiba ng NBI-Violence Against Women and Children Division at ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit ang dayuhan sa Angeles City, Pampanga nitong April 2.
Sinabi ng NBI na dumating sa bansa ang subject noong March 18.
Inihayag ng bureau na sinimulan nitong imbestigahan ang indibidwal matapos makatanggap ng impormasyon sa kaso mula sa Swedish Police Authority.
Ayon sa NBI, ang lalaki ay iniimbestigahan dahil sa dalawang bilang ng child rape. Nauna na rin itong na-convict sa serious financial fraud.RNT/SA