Home NATIONWIDE Consumers hangad maisama sa FCTC tobacco control discussions

Consumers hangad maisama sa FCTC tobacco control discussions

MANILA, Philippines- Dapat na makasama ang harm-reduction experts at consumers sa tobacco control policy discussions para matulungan ang mga naninigarilyo sa buong mundo, ayon sa World Vapers Alliance.

Sa ulat ng “Rethinking Tobacco Control: 20 Harm-Reduction Lessons the FCTC Should Take Note Of,” sinabi ng WVA na ang Framework Convention on Tobacco Control ng World Health Organization, nagmarka ng ika-20 taong anibersaryo nito ngayong taon ng 2025, dapat na isama ang civil society o lipunang makabayan sa talakayan dahil maaaring makapagbigay ang mga ito ng mahalagang ‘real-world experience’ at pananaw.

Tinuran pa rin ng WVA na dapat na igalang ng WHO-FCTC ang ‘adult choices. ‘

Ayon pa rin sa report na dapat lamang mapagtanto ng WHO-FCTC na ang pagbabawal ay hindi gumagana, tinukoy ang kaso ng Australia, kung saan ang mahigpit na regulasyon sa vaping ay nauwi sa isang maunlad at matagumpay na black market at nagpapatuloy na mataas na smoking rates.

Suportado naman ng Consumer advocacy group Consumer Choice Philippines ang nasabing report, sabay sabing ang mga bagong teknolohiya ay lumutang upang bigyan ang mga smoker ng mas mahusay na mga alternatibo sa sigarilyo.

“Consumers should be heard, and the WHO-FCTC should respect their rights to have access to smoke-free products that lessen their exposure to harmful substances. Nicotine is not the problem, but it is the smoke from tobacco products that contain toxicants,” ani Consumer Choice Philippines chairman Adolph Ilas.

Sinabi sa WVA report na sa pamamagitan ng pagtrato sa smokers at ex-smokers bilang ‘capable adults’ at bigyan ang mga ito ng tamang impormasyon at hanay ng hindi gaanong nakakapinsalang mga alternatibo, “we can achieve better public health outcomes.”

Sinasabi pa rin na ang tagumpay ng harm reduction sa Sweden, kung saan ang snus, nicotine pouches at paggamit ng vape ay nakapagpababa ng paglaganap ng cigarette smoking, ng mababa hanggang sa 5.6 %, mas mababa kaysa sa EU average na 24 porsiyento.

Hiniling din ng WVA sa policymakers na ikonsidera ang buong spectrum’ ng available na harm-reduction tools kabilang na ang vaping products na may iba’t ibang flavors o lasa at nicotine pouches, para mabigyan ang mga naninigarilyo ng pinakamahusay na posibleng pagkakataon na huminto.

Tinukoy naman ng WVA ang economic benefits ng harm-reduction strategies pagdating sa mas mababang costs at mahadlangan ang productivity loss.

Maaari namang magkaroon ng mahalagang papel ang alternative nicotine products sa pagbabawas ng napakalaking pasanin sa kalusugan na sanhi ng paninigarilyo, partikular na sa low- and middle-income countries.  

Ang mga dating naninigarilyo na lumipat na sa harm-reduction products gaya ng e-cigarettes, heated tobacco at nicotine pouches ay nakaranas ng pinabuting kalidad ng buhay pagdating sa mas mahusay na paghinga, amoy, lasa at pangkalahatang kalusugan. Kris Jose