ILOCOS NORTE-Isa nang malamig na bangkay ang isang 49-anyos na lalaki nang matagpuan sa dagat sa bayan ng Pagudpud ng lalawigang ito kahapon, Marso 27.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima na isang mangingisda ay residente ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon, ang biktima kasama ang isa pang mangingisda ay nagpunta sa dagat para mag-spearfishing noong 8:00 ng gabi ng Marso 26.
Pagsapit ng 11:00 ng gabi, nagyaya ang kasama ng biktima na umuwi na sila ngunit nagpaiwan ang biktima.
Kinaumagahan, dahil hindi pa rin dumarating ang biktima ay hinanap na nila ito sa dagat.
Bandang 6:30 ng umaga ng kahapon nang matagpuan ang biktimang patay na. Rolando S. Gamoso