Home METRO Kelot, kinakasamang estudyante timbog sa P2.8M tobats

Kelot, kinakasamang estudyante timbog sa P2.8M tobats

BACOLOD CITY- Arestado ang maglive-in partner habang nakumpiska ang P2.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Villamonte sa lungsod na ito nitong Linggo.

Ani Police Capt. Francis Depasucat, pinuno ng Police Station 4, ang mga suspek ay isang 21-anyos na lalaki at kanyang 25-anyos na kinakasama, mga residente ng Barangay 1 sa lugar na ito.

Sinabi ni Depasucat na umabot ng apat na buwan ang pag-monitor nila sa lalaking suspek dahil palipat-lipat umano ito ng lugar kung saan nagsasagawa ng ilegal na drug transactions.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 420 gramo ng shabu.

Sinusuri na umano ang background ng mga suspek kung may nauna nang mga kaso laban sa mga ito.

Itinuturing ang lalaking high-value individual habang ang kanyang kinakasamang estudyante ay natukoy naman bilang street-level individual. RNT/SA