Home METRO Kelot laglag sa P9.6M ecstasy, tobats sa buy-bust

Kelot laglag sa P9.6M ecstasy, tobats sa buy-bust

MANILA, Philippines- Nakumpiska ng government anti-narcotics authorities ang mahigit P8 milyong halaga ng ecstasy tablets at P1.5 milyong halaga ng shabu kasunod ng pagkakaaresto sa isang drug suspect sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasakote si alyas Kenneth, 23, noong Feb. 28 dakong alas-11:30 ng gabi sa Barangay Molino II.

Bukod sa ecstasy tablets at shabu, nakumpiska rin ng mga operatiba ang maroon, neon pink, asul, at berdeng pulbos na hinihinalang ecstasy sa drug bust.

Isinagawa ang operasyon ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team 1 at 2, PDEA Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police Station. RNT/SA