Home NATIONWIDE Kelot lunod sa Taal LakeNATIONWIDETOP STORIES Kelot lunod sa Taal LakeJanuary 27, 2025 15:36 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Patay ang isang 20-anyos na lalaki matapos malunod sa Taal Lake nitong Linggo, Enero 26, sa Tanauan City, Batangas.Kinilala ng Batangas police ang biktima na si John Mark Espena, residene ng Parañaque City.Si Espena umano ay nagpi-picnic kasama ang mga kamag-anak sa gilid ng lawa sa Barangay Wawa nang mangyari ang insidente.Bandang 4:15 ng hapon, aksidente umanong napadpad si Espena sa malalim na bahagi ng lawa at nahirapang makaahon.Sinubukan pang iligtas ng mga kasamahan ang biktima at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. RNT/JGC