Home ENTERTAINMENT DominSue, level up na!

DominSue, level up na!

Manila, Philippines – From their kissing video at a bar on Siargao island ay dahan-dahan nang nagle-level up ang tinatayang relasyon nina Dominic Roque at Sue Ramirez or collectively known as DominSue.

Mula sa Siargao kissing, nasundan nga ‘yon ng HHWW sa isang pampublikong lugar.

Sapat na ‘yon para kiligin ang kanilang mga shippers na noon pa man ay boto sa kanilang real-life romance.

Siyempre, pag sinabing nagle-level up ang kanilang relasyon ay patindi ito nang patindi as it progresses.

Ang pinakahuli ay masasabing validation na nga ng tunay na score nilang dalawa.

Magkayakap na kasi silang dalawa.

Na-capture ang sweet moment na ‘yon sa recent birthday celebration ni Khalil Ramos.

Sa group photo, mapapansin agad sa gawing kanan si Sue na nakayap kay Dominic.

Bale double exposure ‘yon dahil magkayakap din ang magnobyong Gabbi Garcia at Khalil.

Labis ngang ikinatuwa ng mga netizens ang lantarang pagpapakita ng pagmamahal nina Sue at Dom sa isa’t isa.

Walang masabi ang mga netizens kundi bagay sila.

Napakagaan daw kasi silang tingnan.

Sa katunayan, may nagwi-wish na sana raw ay forever na sila.

Inuurutan din ang DominSue na idiretso na ang kanilang relasyon sa pagpapakasal dahil kapwa of marrying age na naman sila. Ronnie Carrasco III