MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Gian Carlo Dela Cruz Maningo noong Mayo 14 sa Mandaue City matapos umanong magbanta na bobombahin ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa ulat, ginamit ni Maningo ang Facebook account na “Gi Maningo” upang mag-post ng alok na PHP5 milyon bilang pabuya sa sinumang makakapagtanim at makakapagpasabog ng bomba sa Comelec central office.
Inamin ng suspek na siya ang may-ari ng nasabing account.
Siya ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 (kaugnay sa bomb threats) at Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 dahil sa umano’y pag-uudyok ng terorismo. RNT