Home NATIONWIDE PH Army nakahanda na sa BARMM elections

PH Army nakahanda na sa BARMM elections

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Army (PA) ang kahandaan nitong tiyakin ang seguridad sa nalalapit na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 13, 2025.

Pinuri ni PA chief Lt. Gen. Roy Galido ang mga sundalo sa maayos at mapayapang midterm elections noong Mayo 12.

Magkatuwang ang PA, Comelec, at PNP sa pagbibigay seguridad sa mga presinto, paghahatid ng mga gamit pang-eleksyon, at pagbabantay sa mga tauhan, lalo na sa mga lugar na may banta.

Ang mga sundalo ay itatalaga sa Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato City.

Binibigyang-diin ng PA ang pagiging propesyonal at hindi pagiging bias ng kanilang mga tropa sa panahon ng eleksyon. Santi Celario