Home METRO Kelot na nagpanggap na palaboy para makapagnakaw arestado!

Kelot na nagpanggap na palaboy para makapagnakaw arestado!

136
0

MANILA, Philippines- Ninakaw umano ng isang lalaking nagpanggap na palaboy ang pera, gadgets, at power tools mula sa isang pamilya na nagbigay sa kanya ng trabaho at matutuluyan sa Marikina.

Base sa ulat, ang pagpapanggap na walang tirahan ang pamamaraan ng suspek upang makuha ang tiwala ng ibang tao bago nakawan ang mga kukupkop sa kanya.

Nadakip siya ng mga pulis sa Cubao apat na buwan matapos mahuli sa CCTV na isa-isang ninanakaw ang kagamitan ng mag-anak, nagkakahalaga ng P150,000, kabilang ang pitong cellphone, isang laptop, power tools, at P10,000 cash.

Positibong kinilala ni Ken Reyes, biktima, ang suspek.

“Nagpakita siya ng ID na pintor siya, parang company ID, so kinuha ni papa para magtrabaho dito,” wika ni Ken. 

“Biruin mo nakatira ka sa kalsada pinatuloy mo dito binigyan mo ng bahay trabaho pagkain kahit alak nga, boss, gin naman dyan. Bibilhan mo pa ng gin tapos bigla kang titirahin ng ganun,” dagdag niya.

“Eto ay isang notorious na magnanakaw at ang front niya ay scavenger sa Cubao,” pahayag ng District Mobile Force Batallion Police Captain.  

Napag-alaman sa imbestigasyon naninakawan din ng suspek ang isang pamilya sa Pasig. Subalit, hindi nagreklamo ang mga ito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here