MANILA, Philippines- Arestado ang isang 57-anyos na lalaki na nanggahasa umano sa 11-anyos na anak na babae ng kanyang kaibigan sa Baras, Rizal nitong Martes.
Inaresto ng mga awtoridad ang lalaki sa pangmomolestiya sa 11-anyos na anak ng kaibigan npoong 2023.
Kinilala ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang suspek na si “Cardo,” na nakatala bilang No. 1 most wanted person sa lalawigan ng Rizal. Nasakote siya sa pamamagitan ng “Oplan Pabili Nga Po” operation na isinagawa ng Baras Municipal Police Station.
Nadakip siya sa bisa ng warrant para sa statutory rape, isangĀ non-bailable offense, at sexual assault na may piyansang itinakda sa P200,000.
Nadiskubre ng mga awtoridad na dalawang beses ginahasa ng suspek ang biktima noong May 28 at July 29, 2023.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Baras Municipal Police Station si Cardo. RNT/SA