Home NATIONWIDE 18.8K kolorum na sasakyan nahuli ng LTO noong Marso

18.8K kolorum na sasakyan nahuli ng LTO noong Marso

MANILA, Philippines- Nahuli ng Land Transportation Office (LTO) ang kabuuang 18,882 motor vehicles noong Marso bilang bahagi ng patuloy na kampanya nito laban sa unregistered o ‘colorum’ vehicles sa buong bansa.

Nakahanay ang kampanya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagsisikap na protektahan lahat ng road users.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II nitong Miyerkules na pinagmulta ang mga may-ari ng mga sasakyan.

“We have been making our presence felt on the roads across the country. And this will be more aggressive once our enforcers complete the refresher courses that we have been conducting,” anang opisyal.

“We are appealing to our motorists to make sure that the registration of their motor vehicles are updated because once you are caught, you will surely shell out more money because you will have to pay the fines and penalties.”

Base sa LTO data, karamihan sa nasitang sasakyan ay mga motorsiklo sa 11,437, tricycle sa 3,315, van sa 2,056, at private cars sa 1,059.

Karamihan sa mga paghuli ay naganap sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. RNT/SA