Home NATIONWIDE Coverage sa hospital bill ng miyembro target itaas ng PhilHealth sa 18%

Coverage sa hospital bill ng miyembro target itaas ng PhilHealth sa 18%

MANILA, Philippines- Target ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na itaas ang coverage sa hospital bills ng mga miyembro nito ng 18 percent ngayong 2025 at gawing 28 percent pa sa taon 2028.

Ito ang ibinalita ng Philhealth sa pagpapatuloy ng oral argument sa Supreme Court kaugnay sa kontrobersyal na P89.9-billion excess reserve funds ng PhilHealth na inilipat sa national treasury.

Sa oral argument kahapon, inihayag ni Associate Justice Jhosep Lopez ang kanya mismong karanasan noong 2023 kung saan ang binayaran lang ng PhilHealth ay P50,000 sa kanyang hospital bill na umabot ng P7 million.

Dahil dito, inalam ni Lopez kung ano ang ideal case rate ng PhilHealth upang matugunan ang layunin ng Universal Health Care Act na walang pamilyang pilipino ang magdurusa dahil sa dinanas na sakit.

Sinabi naman ni PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. na target ng PhilHealth sa taong 2025 na ma-cover ang 18 percent ng hospital bill ng miyembro at itataas pa ang coverage ng 28 percent sa 2028.

“As we progress the implementation, Your Honor, in the coming years, mayroon national health financing strategy that is set up through our Department of Health. By 2028, PhilHealth’s gonna cover 28 percent,” ani Limsiaco.

Gayunman, sinabi ni Lopez na 50 percent ang dapat na “ideal case rate.”

Ipinaliwanag naman ni Limsiaco na ang naturang coverage ay nangyayari sa government hospitals.

“When I say government hospital, we have the Department of Health and of course on the part of our local government hospitals,” So we also have no balance billing implemented in the government hospitals. Meaning, wala na po babayaran ang ating mga pasyente po on those hospitals,” dagdag ni Limsiaco. Teresa Tavares