Home METRO Kelot nagbaril sa sarili sa depresyon

Kelot nagbaril sa sarili sa depresyon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang kinitil ang sariling buhay makaraang dumanas ng depresyon dahil umano sa problema sa pamilya sa Kawit, Cavite.

Base sa report, kinilala ang biktima na si ‘Alex’, may-asawa at residente ng Brgy. Magdalo Putol, ng nasabing bayan.

Ayon sa anak ng biktma, bandang alas-5:30 kamakalawa ng umaga nang makarinig sila ng putok ng baril mula sa kwarto ng kanilang ama.

Agad nila itong pinuntahan at binuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto sa pamamagitan ng duplicate key at laking gulat na makita na nakabulagta na ang biktima sa sofa.

May tama ito ng bala sa dibdib gamit ang sariling baril nito na isang kalibre 45.

Batay sa salaysay ng anak, may personal na problema sa pamilya ang biktima dahilan upang ito ay makaranas ng depresyon na nagtulak umano dito upang magpakamatay. MARGIE BAUTISTA