Home METRO Kilabot na wanted sa Lanao Del Norte nalambat sa Bulacan

Kilabot na wanted sa Lanao Del Norte nalambat sa Bulacan

Oplus_131072

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang 49 anyos na lalaking kilabot na wanted sa bisa ng Warrant of Arrest sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng mga awtoridad ang wanted na si alyas SAB, married, self-employed, tubong Mindanao at residente ng Brgy. Sta. Cruz 1.

Sa report, naaresto ng pinagsamang puwersa ng SJDM police station, Pantao Ragat MPS, LDN PPO, PRO 10, 301st MC, RMFB 3 at 3rd SOU, PNP Maritime Group ang wanted bandang 9:48 ng umaga nitong February 11 sa Brgy. Minuyan Proper.

Nabatid na ang WOA sa kasong Murder (4 counts), Frustrated Murder (3 counts) at Attempted Murder ay inisyu ng RTC Lanao Del Norte, 12 Judicial Region, Branch 1, Iligan City noong Enero 14, 2021 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing binitbit na ng Lanao police ang inakusahang wanted pabalik sa kanilang lugar para mapanagot ito sa batas. Dick Mirasol III