Home METRO Kelot nahulihan ng baril sa checkpoint sa Nueva Ecija

Kelot nahulihan ng baril sa checkpoint sa Nueva Ecija

MANILA, Philippines – Isang 38 anyos na lalaki ang arestado ng mga otoridad matapos itong mahulihan ng baril sa checkpoint sa Brgy. Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija, Linggo ng hapon, Nobyembre 3.

Ang suspek ay nakilalang si Mark Anthony Tinio y Flores, security guard at residente ng Brgy. Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon sa impormasyon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng 303rd MC, RMFB3 mag-aalas 2 ng hapon sa bahagi ng nasabing barangay sa Gapan City
nang parahin ang motor na minamaneho ng suspek upang hanapan ng kaukulang papeles sapagkat wala itong plaka.

Habang nagtatanong ang mga pulis ay napansin ang isang baril na nakasukbit sa baywang ng suspek at agad din itong hinanapan ng mga dokumento ngunit wala itong maipakita.

Nakuha mula sa suspek ang isang 8mm Kimar pistol, isang magazine assembly para sa nasabing baril at anim na caliber .25 cartridges.

Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 10591 na ihahabla laban sa suspek.

“Walang humpay ang ating isinasagawang checkpoint operations para mas masiguro ang kaligtasan ng komunidad laban sa anumang uri ng krimen lalo ngayon at nalalapit na ang Kapaskuhan at iba pang mga pagdiriwang” ayon kay PRO3 Director PBGEN REDRICO A MARANAN. RNT