Home METRO Kelot patay sa boga ng tiyuhin dahil sa mana

Kelot patay sa boga ng tiyuhin dahil sa mana

ILAGAN CITY- PATAY ang isang lalaki matapos barilin sariling tiyuhin dahil umano sa dating alitan hinggil sa mana, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Reyjun Mina, 34-anyos at residente ng Sta. Isabel, City.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Ilagan City Police Station ang suspek at tiyuhin ng biktiman si Richard Mina, at residente ng naturang lugar.

Batay sa report ng Ilagan City Police Station, bandang 9:00 PM ng maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang krimen nagsuntukan ang biktima at pinsan nitong si Nelmark Mina dahil umano sa pinag-aagawang mana.

Natigil lamang ang suntukan matapos awatin ang mga ito ng kanilang kaanak.

Subalit, makalipas ilang oras bigla na lamang sinugod ng suspek ang biktima sa bahay bitbit ang improvised shotgun at pinagbabaril niya ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen nadakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong pagpatay sa Ilagan City Prosecutor’s Office./Mary Anne Sapico