MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki sa nangyaring holdapan sa loob ng isang bus sa Carmen, Davao del Norte nitong Sabado, Disyembre 28.
Ayon kay Carmen Municipal Police Station deputy chief, Captain Dennis Agosto, binaril ng dalawang armadong lalaki ang 54-anyos na biktima.
Sa imbestigasyon, sumakay ang biktima sa bus mula sa Tagum City patungong Davao City. Sumakay naman umano ang mga suspek sa Timog Tagum, o mahigit isang kilometro ang layo kung saan sumakay ang biktima.
Pagsapit sa Barangay Sto. NiƱo ay bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at binaril ang biktima.
Matapos kunin ang bag ng biktima, bumaba na sa bus ang mga suspek.
Bukod sa pamamaril, inagaw pa ng mga suspek ang isang motorsiklo para gamitin sa pagtakas nito.
Nagpapatuloy ang operasyon sa ikadarakip ng mga suspek. RNT/JGC