Home METRO Kelot, tiklo sa mga bala

Kelot, tiklo sa mga bala

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga bala ng baril nang subukan takasan ng suspek ang mga pulis na nagpahinto makaraan masita dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho motorsiklo sa Caloocan City.

Sa report ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa kahabaan ng Malolos Avenue, Brgy. 146, Bagong Barrio dakong alas-10:00 ng umaga nang parahin nila ang suspek na si alyas “Bim” dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Sa halip na huminto, tinangkang tumakas ng suspek at pinaharurot ang minamaneho niyang motorsiklo subalit, pinigilan siya ng isa sa mga arresting officer sa pamamagitan ng paghawak sa carrier/handlebar ng likod ng motorsiklo ngunit, nagawang makawala nito.

Gayunman, naharang siya at napahinto ng iba pang mga pulis na nakaposisyon sa di-kalayuan na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at nang kapkapan ay nakumpiska sa suspek ang 50 pirasong bala ng cal. 45 at anim pirasong bala ng cal. 9mm.

Ayon kay Col. Lacuesta, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10054 o Mandatory Unse of Motorcycle Helmet, Art 151 of RPC Resistance and Disobedience at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. R.A Marquez

Previous articleLalaki itinumba ng black rider
Next articleWanted timbog sa Caloocan