Home METRO Wanted timbog sa Caloocan

Wanted timbog sa Caloocan

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted person sa Northern Police Ditrict (NPD) matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Sa report ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Vio”, 28, ng Pangako St., Bagong Barrio.

Alinsunod sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”, agad nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang mga tauhan ng SS5 sa pangunguna ni P/Capt. Paul Norman Larugal at IDMS-WSS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Malolos Avenue, Brgy. 146.

Ang akusado ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandra ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City noong May 30, 2023 para sa kasong Frustrated Murder na inirekomendang piyansa na P200,000 at Murder na walang inirekomandang piyansa. R.A Marquez

Previous articleKelot, tiklo sa mga bala
Next articleBataan, Zambales, Cebu binulabog ng bomb threat