Home METRO Kelot tiklo sa P1M shabu

Kelot tiklo sa P1M shabu

MANILA, Philippines- Nasamsam ng Taguig Police ang P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki na nahuli sa buy-bust operation nitong Hunyo 25.

Nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation bandang alas-4:45 ng umaga sa Barangay Upper Bicutan. 

Kinilala ang suspek na si alyas Abel, 39, tinukoy ng Taguig Policebilang isang high value individual (HVI). Naaresto siya sa umano’y paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). .

Sa operasyon, nakumpiska ng mga pulis ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.02 milyon na inilagay sa anim na plastic sachets, digital weighing scale, P1,000 bill na ginamit na buy-bust money, at 19 piraso ng P1,000 boodle money. 

Ikakasa na ang reklamo laban sa suspek. RNT/SA