Home METRO Kelot tiklo sa rape sa Maynila

Kelot tiklo sa rape sa Maynila

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na itinuturing na nasa Top 6 most wanted person sa regional level dahil sa apat na bilang ng statutory rape.

Ayon sa report, mula kay MPD-District Intelligence Division-District Police Intellience and Operations Unit (MPD-DID-DPIOU) Police Major Kevin Rey D.Bautista, nagsagawa ng intelligence driven police operation laban sa akusado na si Jomar Quijano Caguino alyas Pudong, 30 anyos, food vendor mula sa Bagong bayan, Taguig City.

Ikinasa ang operasyon matapos maglabas ng arrest warrant si Hon. Mariesther B.Vedana, Presiding Judge ng Manila Trial Court Branch 48 at sa pagsiskap ng mga awtoridad para mahanap ang kinaroroonan ng akusado.

Hindi pinayagan ng korte si Caguino na magpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakadetine ngayon ang akusado sa MPD Custodial facility ang akusado habang hinihintay ang kanyang commitment order mula sa korte na pinanggalingan ng arrest warrant. Jocelyn Tabangcura-Domenden