MANILA, Philippines – Nasa halos sa 200 kabahayan ang naabo sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa isang compound sa Brgy Talaba 3, Bacoor City.
Ayon sa report ng Bacoor Bureau of Fire Protection ( BFP) alas-10:40 ng gabi ng lamunin ng apoy ang Paraiso Compound Zone 6 ng nasabing lugar.
Naitala ang unang alarma dakong alas 10:51 ng gabi ni FO3 Cabacang at dahil sa malakas ang hangin, mabilis na kumalat ang apoy hanggang umabot da ikalawang alarma dakong alas 11:01 ng gabi
Umabot ng may mahigit sa tatlong oras bago tuluyang naapula ang sunog.
Base sa Bacoor Fire Protection, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang posibleng pinagmulan ng apoy at halaga ng napinsala ng nasabing sunog. MARGIE BAUTISTA