Home METRO Kelot tiklo sa sextortion sa Ozamiz

Kelot tiklo sa sextortion sa Ozamiz

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang lalaki sa Ozamiz City makaraang isumbong ng kanyang dating girlfriend na nagpapakalat ng sensitibong larawan niya online.

Sa ulat, inakusahan ang lalaki na nagpapadala ng larawan ng biktima sa kanyang mga kaibigan sa social media.

Inaresto ang suspek sa isang entrapment operation sa Ozamiz City ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

“Ito ay isang sextortion activity na kung saan yung biktima at suspek ay dating meron silang relasyon,” ayon kay PNP-ACG Cyber Response Unit Chief Jay Guillermo.

Ang sextortion ang isa sa cyber-related incidents na nakapagtala ng pagtaas sa kaso.

Sa katunayan, iniulat ng PNP-ACG na mayroong 56 kaso nito ang naitala noong 2021, 110 noong 2022 at naging 121 noong 2023.

Nitong Enero 2024 lamang ay mayroon na agad na 19 kaso ang naitala. RNT/JGC

Previous articleNakakuha ng passing mark sa 2022 PISA, isang public school lang sa NCR
Next articleDalagita na nakipagkita sa boyfriend sa Davao City, natagpuang patay