Home METRO Dalagita na nakipagkita sa boyfriend sa Davao City, natagpuang patay

Dalagita na nakipagkita sa boyfriend sa Davao City, natagpuang patay

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 14-anyos na dalagita matapos na makipagkita lamang sa boyfriend sa Davao City.

Sa ulat, napag-alaman na nakahingi pa ng tulong ang biktima sa kapatid nito.

Natagpuan ang katawan ng biktima na may sugat pa sa ulo, sa bakanteng lote sa Barangay Bato nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 7.

Sa CCTV footage, makikita ang isang menor de edad na may kasamang lalaki sa labas ng isang establisyimento.

Nagresulta ito sa agarang pagkakaaresto sa boyfriend ng biktima na umamin naman sa nagawang krimen.

Aniya, hinampas niya ng bato ang ulo ng biktima.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. RNT/JGC

Previous articleKelot tiklo sa sextortion sa Ozamiz
Next articleDSWD officials nakipagkita sa ex-Abu Sayyaf members sa pagpapabuti ng peace at dev’t programs