Home METRO Kelot tinaga ng katoma pinayuhang ‘wag magmaoy kapag nakainom

Kelot tinaga ng katoma pinayuhang ‘wag magmaoy kapag nakainom

105
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos tagain sa ulo ng kainuman na pinayuhan niyang huwag manggulo kapag nakainom, sa Barangay Muta, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng inuman ang 39-anyos na biktima at 21-anyos na suspek. Pinayuhan ng biktima ang suspek na huwag maging magulo kapag nakainom—na posibleng ikinasama ng loob ng huli.

Umalis umano ang suspek, kumuha ng itak, at pagbalik ay tinaga ang ulo ng biktima.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktima, habang pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na suspek. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here