Home METRO Kelot tinarakan ng kasugalan sa naglahong pera

Kelot tinarakan ng kasugalan sa naglahong pera

308
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang pinagsasaksak at namatay matapos makipagtalo sa isang kasama niya sa online gambling dahil sa nawawalang pera sa kanyang e-wallet sa Binangonan, Rizal, ayon sa pulisya.

Nangyari ang insidente bandang 2:30 ng madaling araw ng Nobyembre 2 sa Macaria Street, Barangay Mambog.

Ang biktima na nakilalang si Herminigildo ay kinonpronta ang kanyang kaibigan na si Jay matapos mapansin na wala na ang pondo sa kanyang GCash account.

Nagkaroon ng suntukan, at diumano’y hinugot ng suspek ang kutsilyo at sinaksak si Herminigildo ng maraming beses bago tumakas.

Dinala ang biktima sa Margarito Duavit Memorial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. Kasalukuyang hinahanap ng awtoridad ang suspek. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here