CAVITE- Patay ang isang lalaki matapos sasaksakin ng bantay-bayan dahil sa malakas na tugtog ng una habang nag-iinuman, kagabi sa bayan ng General Trias.
Kinilala ang biktimang si James Bryan Luna, 34, at residente ng Barangay Santiago, Gen. Trias Cavite.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na kilala sa alyas “Johnson,” “bantay-bayan” volunteer sa naturang lugar.
Batay sa report ng pulisya, bandang alas-11 ng gabi ng Lunes naganap ang krimen sa nabanggit na lugar.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang suspek kasama ang isang Aldrin Toribio, 19, sa loob ng subdivision sa naturang lugar at malakas ang patugtog ng mga ito.
Dahil dito, nilapitan sila ng suspek at sinabihan na hinaan ang volume ng kanilang tugtog dahil nakakabulahaw na sila ng kapitbahay.
Sa halip na makinig ang dalawa, nagalit ang mga ito at inatake umano ang suspek dahilan para kumuha ng patalim ang huli at sinaksak si Luna na naging sanhi ng kamatayan nito.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para pagdakip sa suspek. Mary Anne Sapico