PANGASINAN-Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos hatakin ng mga alon at malunod sa dagat sa Brgy. Patar, Bolinao ng lalawigang ito kahapon, Abril 28.
Ayon sa Bolinao Municipal Police Station, ang biktima ay residente ng Santolan, Pasig City.
Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 6:30 ng umaga ay nagpunta sa dagat ang biktima para mag-swimming.
Habang lumalangoy, ang biktima ay hinatak ng mga alon at dinala sa mas malalim na bahagi ng dagat hanggang sa malunod.
Bandang 7:00 ng umaga nang maiahon ang katawan ng biktima. Rolando S. Gamoso