Home METRO Kelot utas sa kolong-kolong sa Ilocos Sur

Kelot utas sa kolong-kolong sa Ilocos Sur

268
0

ILOCOS SUR, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 20-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa kolong-kolong sa Candon City ng lalawigang ito kagabi.

Sa ipinadalang report ng  Candon City Police Station sa Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO), ang driver ng Bajaj motorcycle ay isang construction worker, residente ng Brgy. San Agustin ng naturang lungsod.

Ang 57-anyos naman na lalaki na driver ng kolong-kolong ay residente rin ng Candon City.

Nabatid na parehong bumibiyahe sa barangay road sa Brgy. San Nicolas-San Agustin ang dalawang sasakyan.

Papunta ng kanlurang direksyon ang motorsiklo samantalang ang kolong-kolong naman ay papunta ng kabilang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang nagkasalubong ang dalawang sasakyan at nangyari ang banggaan.

Nagtamo ng head injury ang driver ng motorsiklo na hindi nakasauot ng helmet samantalang ang driver ng kolong-kolong ay nagtamo naman ng leg injury.

Agad na isinugod sa ospital ang dalawa.

Gayunpaman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doctor.

Pareho umanong nakainom ang driver ng motorsiklo at kolong-kolong. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here