Home NATIONWIDE Witness protection program sa opisyal ng DPWH, pag-aaralan ng DOJ

Witness protection program sa opisyal ng DPWH, pag-aaralan ng DOJ

294
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) ang intensyon na i-evaluate ang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Witness Protection Program (WPP).

Ginawa ni Justice Secretary Remulla ang anunsyo noong Biyernes matapos makipagpulong ang mag-asawang contractor na sina Pacifico “Curlee” Discaya II at Sarah na sumailalim sa evaluation para sa WPP.

Ayon kay Remulla, mayroon na silang testigo mula sa DPWH na gusto nilang suriin para sa WPP.

Aniya hiniling niya sa ilang kaibigan sa Senado na tulungan silang simulan ang proseso.

Nang tanungin kung bakit napili ang partikular na opisyal ng DPWH, sinabi ni Remulla na ito ay dahil tila bahagi siya ng mas malaking palaisipan.

“We have to create the links and connect the dots, and sometimes they are the most important pieces of the puzzle,” sabi ni Remulla.

Sinabi rin ni Remulla na tatlo pang indibidwal ang nagpahayag ng kanilang interest na masuri para sa WPP.

Tumanggi namang ibunyag ni Remulla ang pagkakilanlan ng nasabing mga indibidwal ngunit sinabi na isa rito ay kabilang sa top 15 contractors na nabigyan ng maraming flood control projects ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here