Home NATIONWIDE Kelot utas sa metal barrier

Kelot utas sa metal barrier

PANGASINAN-Kamatayan ang sumalubong sa isang 30-anyos na lalaki matapos bumangga sa metal barrier ang minamaneho nitong motorsiklo sa Urdaneta City ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay residente ng naturang lungsod.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang kulay puting Honda Click motorcycle at mabilis na bumibiyahe papuntang hilagang direksyon nang bigla itong bumangga sa metal barrier.

Dahil dito, nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na agad na isinugod sa Urdaneta District Hospital ng mga rumespondeng EMS at BFP personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso