Home METRO Senior utas sa kapwa senior

Senior utas sa kapwa senior

Image Representation Only

PANGASINAN-Tigok ang isang 62-anyos na lalaki matapos saksakin ng 76-anyos na lalaki sa bayan ng Dasol ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa mga otoridad, ang dalawa ay parehong residente ng Dasol, Pangasinan at nangyari ang insidente bandang 9:30 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima kasama ang dalawa pang lalaki ay nag-iinuman nang bigla nitong pulutin ang digging bar at inumpisahang basagin ang jalousie ng bintana ng bahay ng suspek.

Nagawang agawin ng suspek ang digging bar at pagkatapos nito ay sinaksak niya ng isang beses sa bandang rib area ang biktima.

Isinugod sa Dasol Community Hospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay hindi na nagawang isalba pa ng umantending doktor matapos itong malagutan ng hininga bandang 9:58 ng gabi.

Arestado naman ang suspek. Rolando S. Gamoso