Home METRO Kelot utas sa nagliyab na motorsiklo

Kelot utas sa nagliyab na motorsiklo

LA UNION- Kamatayan ang sumalubong sa isangĀ  58-anyos na lalaki matapos bumangga sa isang Ref Van Truck ang minamaneho nitong motorsiklo at saka nagliyab sa national highway sa Brgy. Poblacion, Aringay ng lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa mga awtoridad, ang driver ng Honda TMX motorcycle ay residente ng Bauang, La Union.

Minamaneho naman ng 60-anyos na lalaki na residente ng Rosario, La Union ang Ref Van Truck.

Bumibiyahe papuntang hilagang direksyon ang Ref Van Truck samantalang papunta naman ng kabilang direksyon ang motorsiklo.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nasakop umano ng motorsiklo ang linya ng Ref Van Truck na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Dahil sa lakas ng impact, nagliyab ang motorsiklo at nasunog.

Nagtamo ng severe injuries ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa La Union Medical Center.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso