Manila, Philippines- “We do this for people who matter the most, mga friends and family…sila ang rason kung bakit tayo nagsusumikap,” sey ni Khalil Ramos tungkol sa pagpupursigi niya sa goals niya.
Nagbunga naman talaga ang sipag ng Kapamilya Actor na wagi as Best Actor sa 2nd Puregold Cinepanalo Film Festival Awards night na ginanap sa Elements at Centris.
Masasabing mala-“sadboi” ang role niya na si Olsen sa Olsen’s Day, isang researcher sa media na pushover ng kanyang boss na may unexpected long car ride kasama ang isang mag-ama.
Ilan pa sa mga wagi sa acting categories ng full-length entries ay sina Ruby Ruiz (Best Actress for Tigkiliwi), Gabby Padilla
(Best Supporting Actress for Tigkiliwi), at Jeffrey Jiruma (Best Supporting Actor for Tigkiliwi).
Big winners ang Salum ni TM Malones (full-length) at Champ Green ni Clyde Cuizon Gamale (shorts) bilang mga Pinakapanalong Pelikula.
Marami ding naiuwing parangal ang Journeyman ni Christian Paolo Lat, na isang malinaw na paborito ng credible film reviewers. Ito ay ang Responsableng Paglikha, International Jury Prize, Best Brand Intrusion, Best Film Poster, at Best in Cinematography.
Sa interview ng festival director na si Chris Cahilig, nagbigay siya ng idea kung tungkol saan ang na-pullout na full-length entry na Food Delivery: “Makikita mo yung sacrifices ng mga ito and at the same time, makikita mo kung bakit mahalaga sa atin yung resources na binibigay ng West Philippine Sea.”
Patuloy ang pagpalabas ng entries hanggang March 25 sa Gateway Cineplex 18 kung saan 250php lang ang ticket price at 200php naman para sa mga estudyante, PWD, at senior citizens. Trixie Dauz