Home NATIONWIDE Digong kumpyansang walang kasong kailangan sagutin sa ICC – VP Sara

Digong kumpyansang walang kasong kailangan sagutin sa ICC – VP Sara

Naniniwala si dating pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kasong dapat harapin sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Bise Presidente Sara Duterte.

“He’s very confident about the legal arguments. He’s very confident… that what they did was wrong and there is no case to begin with,” ani Duterte sa reporters.

Aniya pa, kumpiyansa ang kanyang ama sa kanyang depensa at nais nang makabalik sa Pilipinas, maging sa puntong nagpaplanong muling tumakbo bilang alkalde ng Davao City.

Libu-libong tagasuporta ang nagtipon sa The Hague, karamihan mula sa iba’t ibang bansa sa Europa, upang manawagan sa ICC na pauwiin si Duterte.

Samantala, iginiit ng kanyang mga abogado na siya ay “dinukot” patungo sa ICC, isang paratang na tinawag nilang “extrajudicial rendition.”

Giit naman ng ICC, ang drug war ni Duterte ay isang sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan na nagresulta sa libu-libong pagkamatay. Nakatakda ang hearing sa Setyembre 23 upang kumpirmahin ang mga paratang laban sa kanya.