Home NATIONWIDE FinTech Alliance PH nagpasalamat sa BSP sa paglilinaw — “Zero Fees” sa...

FinTech Alliance PH nagpasalamat sa BSP sa paglilinaw — “Zero Fees” sa digital transfers, ‘di ipinag-utos

2
0

MANILA, Philippines – Hindi required ang ‘zero fees’ sa digital transfer sa ilalim ng Circular No.1238.

Ito ay ayon sa FinTech Alliance PH matapos ang kanilang pag-uusap sa mga miyembro ng BSP Monetary Board.

Nagpasalamat ang FinTech Alliance PH sa BSP kasabay paglilinaw ng Bangko Sentral na ang Circular ay isang ‘cost-based’ fair pricing guidelines.

Nangangahulogan na gabay ito para sa makatarungan at nakabatay sa aktuwal na gastos na paniningil — hindi utos para gawing libre ang electronic fund transfers.

Paglilinaw ng BSP, walang sapilitang zero fee at hindi obligado ang mga bangko, e-wallet, digital banks, at iba pang payment service providers na alisin ang transfer fees.

Dagdag pa, hindi lang “switch cost” ang basehan – Ang singil sa off-us person-to-person (P2P) transfers ay hindi dapat nakabatay lang sa switch cost.

Hindi rin “switch-cost-only” formula ang FAQ No. 7 . Hindi dapat bigyang-kahulugan ang FAQ bilang mahigpit na pricing formula.

“Nagpapasalamat kami sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa mahalagang paglilinaw na ito. Malinaw na ang Circular No. 1238 ay para sa patas at makatarungang pagpepresyo batay sa aktuwal na gastos, at hindi isang zero-fee policy,” sabi ni Lito Villanueva, Founding Chairman ng FinTech Alliance PH.

“Mahalaga ang abot-kayang serbisyo upang mas maraming Pilipino ang makagamit ng digital financial services, ngunit kailangan din itong maging ligtas, maaasahan, at pangmatagalan,” ani Villanueva.

Sinabi ng Alliance ba mahalaga ang paglilinaw ng BSP dahil nagbibigay ito ng balanseng  regulasyon na:

– Pinoprotektahan ang consumer sa patas na presyo

– Pinapayagan ang industry na patuloy na mag-invest sa mas matatag na payment infrastructure, cybersecurity, innovation, at customer service

Binigyang-diin din ng Alliance na mas mapapalawak ang financial inclusion kung ang digital financial services ay abot-kaya, ligtas, maaasahan, at sustainable.

Sa ganitong paraan, makakapagpatuloy ang mga kumpanya sa pagbuo ng mas makabagong serbisyo para sa publiko.

Muling tiniyak ng FinTech Alliance PH ang pakikipagtulungan nito sa BSP at iba pang stakeholders para mapabilis ang paggamit ng digital payments at mapalawak ang access ng bawat Pilipino sa ligtas, inklusibo, at napapanatiling serbisyong pinansyal. Jocelyn Tabangcura-Domenden 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here