Home NATIONWIDE Killer sa 2 pulis-Bulacan, patay sa engkwentro sa Cagayan

Killer sa 2 pulis-Bulacan, patay sa engkwentro sa Cagayan

301
0

BAGGAO, Cagayan – Patay ang pinaniwalaang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa Bocaue, Bulacan noong Marso 8, 2025 matapos ang isang armadong engkwentro sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan kaninang umaga, Hunyo 4, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Xander”, na may kinakaharap na warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg Dennis G Cudiamat at PSSg Gian George N Dela Cruz, parehong miyembro ng Bocaue Municipal Police Station.

Una rito, habang nagsasagawa ng intelligence-driven operation ang pinagsanib na pwersa ng Baggao Police Station (lead unit), Regional Intelligence Division 2 at 3, Regional Intelligence Unit 2 at 3, Provincial Intelligence Unit-Cagayan PPO, Provincial Intelligence Unit-Bulacan, 204th Maneuver Company RMFB2, 1st PMFC, at Bocaue Police Station upang ipatupad ang nasabing warrant of arrest.

Habang isinagawa ang operasyon, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at sumigaw ng “Di ako papahuli nang buhay!” saka pinaputukan ang mga operatiba.

Napilitan ang mga alagad ng batas na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang yunit ng Glock firearm na may serial number PNP50742, na pinaniniwalaang armas na pagmamay-ari ng isa sa mga napatay na pulis sa Bocaue, Bulacan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here