Home NATIONWIDE Killua nagpositibo sa rabies – PAWS

Killua nagpositibo sa rabies – PAWS

MANILA, Philippines – Nagpositibo sa rabies ang napatay na golden retriever na si “Killua,” ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Sinabi ni PAWS Director Anna Cabrera na ito ay batay sa pagsusuri na isinagawa ng Bureau of Animal Industry.

Ipinaalam na nila sa may-ari ng aso ang resulta.

Matatandaan na naging matunog ang balita tungkol sa pagpatay kay Killua sa Camarines Sur noong Marso 17.

Ito ay makaraang habulin at pagpapaluin ng isang lalaki na kinilalang si Anthony Solares, ang aso na humabol sa anak nito.

Batay sa CCTV footage, makikita na pinagpapalo ni Solares ang asong si Killua. RNT/JGC

Previous articleOnline voting sa overseas Pinoys isinusulong ng Comelec
Next articleMga empleyado ng QC LGU lumahok sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill