Home IN PHOTOS Kilos-protesta ikinasa kasabay ng annual meeting ng IMF, World Bank

Kilos-protesta ikinasa kasabay ng annual meeting ng IMF, World Bank

MANILA, Philippines – NAGPROTESTA ang ibat-ibang mga grupo kasabay ng Annual Meeting ng International Monetary Fund at World Bank sa Washington DC upang igiit ang malawak at kagyat na kanselasyon sa pagkakautang para sa mga bansang nasa Global South.

Agad namang hinarang ng Manila Police District ang nasabing grupo sa kanto ng P. Ocampo at Roxas Blvd. service road.

Samantala, itinuloy naman ang programa na sumisigaw ng mga katagang “Cancel the Debt from Fossil Fuels Now!” at “No to loans as climate finance.” RNT