Home ENTERTAINMENT Paulo, dinumog sa elevator!

Paulo, dinumog sa elevator!

155
0

Manila, Philippines – What a stunt!

Ito na lang ang aming masasabi sa paraan ng pagpo-promote ni Paulo Avelino ng kanyang malapit nang ipalabas na pelikula.

Titled Elevator kasama si Kylie Versoza, no promo gimmick could be more fitting than Paulo posing as elevator operator at a mall.

Bawat sumasakay sa lift ay tinatanong ng aktor na nakaupo sa mataas na bangko kung saang palapag sila ng gusali pupunta.

Kinaaliwan tuloy ang in-upload na video kung saan nang mapansin ng mga mall goers na si Paulo ang elevator operator ay hindi na magkamayaw ang mga nagpapakuha ng selfie sa kanya.

Pero ang mas kuwela ay nang lapitan siya ng isang matandang babaeng naka-face mask pa.

Halatang sinisipat-sipat ng elderly shopper ang aktor, saka halos dumikit na.

Gusto lang kasi makatiyak kung si Paulo nga ‘yon, o baka naman kakambal ng aktor.

Tugon ni Paulo: “Naku, mas guwapo po ako kesa du’n!”

Maya-maya pa’y nagsipasukan na ang ibang mga sasakay sa elevator, sabay kuha ng litrato sa aktor.

Sana’y ganito rin ang gimmick ng leading lady ni Paulo na si Kylie, or baka naman naka-assign ang beauty queen-turned-actress sa ibang mataong mall. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here