Home IN PHOTOS Kilos protesta isinagawa sa harap ng Chinese Embassy

Kilos protesta isinagawa sa harap ng Chinese Embassy

289
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta o lightning rally kaninang alas 10:00  ng umaga sa harap ng Chinese Embassy sa lungsod ng Makati ang iba’t-ibang grupo sa pangunguna ng grupong Filipinos Do Not Yield Movement upang kondenahin ang ginagawang pagbabanta ng mga opisyal ng China sa ating mga opisyal na ipinagtatanggol ang ating kasarinlan sa West Philippine Sea.

Kabilang din sa kanilang isinisigaw sa isinagawang kilos protesta ang patuloy na ginagawang panghaharass, at pangbo-bomba ng water canon sa ating mga mangingisdang Pinoy at mga sundalo na nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ayon sa grupo, ang layunin ng kanilang kilos protesta ang ipanawagan ang pananagutan ng China at ipakita ang patuloy na pagtutol ng mamamayang Pilipino sa patuloy na agresyon sa ating soberanya.

Ayon kay Giselle Albano convenor at spokesperson ng FilipinosDoNotYieldMovement, ang pambubully ng China sa WPS ay hindi lamang paglabag sa internasyunal na batas, kundi tahasang pananakot sa sambayanang Filipino.

Aniya kung hahayaan ito, magiging normal na lamang ang paninindak ng China sa ating mga sundalo at mga mangingisdang Pilipino.

Maaalalang patuloy ang palitan ng mga maaanghang na pahayag sa pagitan ni Philippine Coast Guard spokesperson commodore Jay Tarriela, mga senador at mga opisyal ng Chinese embassy sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea kung saan pinag aaralan narin ng Senado na irekomenda sa Pangulo na ideklarang persona non grata si Chinese embassy deputy spokesperson Guo Wei dahil sa panibagong Facebook post ng pagbatikos sa mga Senador at kay Tarriela. (CESAR MORALES)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here