Home METRO 350 pamilya inilikas sa M5.4 lindol sa Sultan Kudarat

350 pamilya inilikas sa M5.4 lindol sa Sultan Kudarat

231
0
via PCG

SULTAN KUDARAT, Philippines – 350 pamilya ang inilikas matapos ang isang magnitude 5.4 na tectonic earthquake ang yumanig bago magbukang-liwayway nitong Miyerkules sa mga baybaying bayan ng Kalamansig at Lebak sa Sultan Kudarat.

Dahil sa panganib, isinuspinde ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa dalawang bayan.

Sa bisa ng Executive Order No. 97, sinabi ni Gobernador Datu Pax Ali Mangudadatu na kailangang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

“It is necessary to take immediate precautionary measures to ensure the safety and welfare of the public,” ayon sa gobernador.

Pinayuhan niya ang mga residente na manatiling alerto at iwasan ang mga nasirang istruktura.

Hindi saklaw ng work suspension ang mga ahensyang may kinalaman sa emergency response, disaster management, at serbisyong pangkalusugan.

Pansamantala ring ipinagbawal ang pangingisda sa mga baybaying lugar ng lalawigan.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol dakong 1:05 a.m., 42 kilometro timog-kanluran ng Kalamansig, na may lalim na siyam na kilometro.

Naitala rin ang hindi bababa sa 70 aftershocks mula 1:05 a.m. hanggang 8:47 a.m., na may lakas mula magnitude 1.1 hanggang 5.1.

Ang epicenter ng lindol ay malapit sa lugar ng magnitude 8.2 na lindol noong 1976, na nagdulot ng tsunami at ikinasawi ng libo-libong katao sa paligid ng Moro Gulf. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here