Home HOME BANNER STORY No work, no pay kay Sen. Bato, kino-konsidera ng Senado

No work, no pay kay Sen. Bato, kino-konsidera ng Senado

201
0

MANILA, Philippines – Posibleng masuspinde ang sahod ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa matagal na niyang pagliban sa mga sesyon ng Senado, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Martes.

Sinabi ni Lacson na pinag-aaralan ng Senate leadership ang pag-amyenda sa Senate Rules upang payagan ang withholding ng suweldo ng isang senador na matagal nang absent.

Si dela Rosa ay hindi pa dumadalo sa plenary sessions mula pa noong Nobyembre 11, 2025, kasunod ng pahayag ng Ombudsman na may umano’y arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya—bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon nito.

Ayon kay Lacson, kailangang suriin nang mabuti ang legal na basehan ng hakbang dahil saklaw ang mga senador ng civil service law.

Gayunman, binanggit niya na maaaring magrekomenda ang Senate ethics committee ng ganitong parusa, na maaari namang ipatupad kapag inaprubahan ng plenary.

Ibinunyag din ni Lacson na plano ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na magsampa ng ethics complaint laban kay dela Rosa sa Marso, na maaaring magsilbing daan upang umaksyon ang ethics committee.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Lacson na hindi siya sasali sa anumang posibleng parusa laban kay dela Rosa dahil, aniya, wala siyang “moral authority” sapagkat minsan na rin siyang napunta sa kahalintulad na sitwasyon mahigit 15 taon na ang nakalipas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here