Home ENTERTAINMENT Kim, dinemanda na ang kapatid!

Kim, dinemanda na ang kapatid!

301
0

Manila, Philippines – Tinuluyan na ni Kim Chiu ang kanyang Ate Lakam nang pormal na niya itong sinampahan ng kasong qualified theft.

Nitong December 2, nanumpa ang TV host-aktres sa piskalya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

May kinalaman sa “substantial amounts of money” ang naturang demanda, na ‘di maipaliwanag ng kapatid.

Mabigat man sa kanyang loob ay kinailangan daw ni Kim na gawin ‘yon–hindi lang para protektahan ang kanyang negosyo kundi para sa mga tauhang umaasa dito.

Hindi malinaw kung aling negosyo ni Kim ang basehan ng kanyang reklamo.

Matatandaang may mga pahiwatig si Kim sa problema nila ni Lakam sa kanyang social media posts, dangan nga lang ay puro cryptic ang mga ito.

Magkasama pang ipinagdiwang ng magkapatid ang Father’s Day noong June 16 kasama ang ama nilang si William, pero August nang i-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.

Si Lakambini Chiu ay ang pinagkatiwalaan ng nakababatang kapatid para mamahala ng financial side ng kanyang mga negosyo.

Aminado si Kim na hindi naging madali ang kanyang desisyon to bring the matter to court: “This is one of the painful steps that I have ever taken in my life.”

Lunutang ang balitang nasaid umano ang capital investment na inilagak ni Kim dahil sa pagka-casino ni Lakam. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here